BUTUAN CITY – Isang pastor ang binaril at pinagtataga hanggang sa mapatay sa Purok 3, Barangay Desamparados sa Talacogon, Agusan del Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report na natanggap ni Northeastern Mindanao Police Regional Office (PRO)-13 Director Chief Supt. Rolando B. Felix mula sa Talacogon Municipal Police, binaril sa likod si Danilo A. Petronilo, 52, pastor ng Southern Mindanao Baptist Church, gamit ang hindi pa batid na kalibre ng baril.

Hindi pa nakuntento, pinagtataga rin umano ni Julito A. Hilarion ang biktima sa braso, tuhod at katawan, dakong 4:51 ng hapon nitong Hunyo 1.

Ayon sa pulisya, nakaupo si Petronillo sa harap ng kanyang bahay sa Purok 3 sa Bgy. Desamparados nang biglang lumitaw si Hilarion at binaril siya sa gulugod bago tatlong beses na tinaga ang pastor.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Personal na alitan ang sinasabing motibo ng suspek, na pinaghahanap na ngayon. (Mike U. Crismundo)