Hangad ng dating kampeon na IPPC Hawks na mawalis ang lahat ng laban ngayon sa pagsagupa sa kapwa may malinis din na kartada na University of Santo Tomas (UST) sa tampok na laro ng 2016 Philippine Sports Commission (PSC) Commissioners Baseball Cup, sa Rizal Memorial Baseball Field.

Asam ng IPPC, binubuo ng mga dating miyembro ng PHILAB ang ikaapat na sunod na panalo sa limang koponan na Pool C kontra sa naghahangad naman sa ikatlong sunod nitong panalo sa unang laro sa ganap na 7:00 ng umaga.

Target din ng nagtatanggol na kampeong Philippine Air Force ang ikaapat na sunod na panalo sa pagsagupa sa naghahandang Vitarich-ILLAM sa pool A.

Huling magsasagupa ang Ateneo De Manila University (ADMU) at Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Smokey na kapwa bitbit ang 1-1 marka.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Huling binigo ng IPPC ang La Salle Antipolo Alumni sa abbreviated match, 20-0, matapos na unang biguin ang Big Daddy’s, 23-2, at ang UP Fighting Maroons, 11-5. Tinalo naman ng UST sa huli nitong laro ang LS Antipolo Alumni, 9-0, upang isunod ang Big Daddy’s, 24-2. (Angie Oredo)