PARIS (AP) — Nagpatuloy ang aksiyon, habang tuloy ang buhos ng ulan.
May nakumpletong laro at kapwa biktima nang madulas na clay court sa pamosong Roland Garros ang dalawang seeded player – No. 2 Agnieszka Radwanska at No. 6 Simona Halep.
At matapos ang kanilang kabiguan sa fourth-round nitong Martes (Miyerkules sa Manila), kapwa binira nina Radwanska at Halep ang organizer ng French Open.
“I mean, it’s not a (low-tier) tournament. It’s a Grand Slam. How can you allow players to play in the rain?”
pagmamaktol ni Radwanska, ang 2012 Wimbledon runner-up.
“I don’t think they really care what we think. I think they care about other things,” sambit ni Radwanska, iginiit na namigat ang kanyang kanang kamay na sumailalim sa surgery ilang taon na ang nakalilipas.
Kinatigan ni Halep ang pahay ng kabaro at iginiit na napakaimposibleng lumaro sa kondisyon ng court bunsod ng ulan.
“No one cares about the players, in my opinion. I don’t care that I lost the match today, but I was close to (getting) injured,” aniya.
Nakunan ng 10 sunod na puntos si Radwanska sa kanyang 2-6, 6-3, 6-3 kabiguan kay 102nd-ranked Tsvetana Pironkova ng Bulgaria. Nabigo naman si Halep kay No.21 Sam Stosur, 7-6 (0), 6-3.
Sa 12 singles match na nakatakda nitong Martes, ang laban ng dalawa ang tanging natapos. Sinuspinde ang apat na na laro sa men’s fourth-rounder, kabilang ang duwelo nina No. 1 Novak Djokovic at No. 14 Roberto Bautista Agut, gayundin ang apat na women’s fourth-rounder match, kabilang ang laban ng magkapatid na Serena at Venus Williams.
Iniisip na laman ni Halep na itinuloy ang kanilng laro para maibsan ang “clogging” sa iskedyul matapos matigil ang lahat ng laro nitong Lunes bunsod nang walang tigil na pag-ulan.
“Not their fault,” aniya. “But the decisions were not, I think, the best.”