CAPAS, Tarlac - Natulala umano sa bugbog ang isang 36-anyos na ginang matapos siyang pagmalupitan ng kanyang mister na nabuking niyang may ibang babae, sa Sitio Malutong Gabun, Barangay Cut-Cut 1st, Capas, Tarlac.

Ayon kay PO2 Haydee Talabucon, nagtamo ng bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang misis mula sa kamay ng kanyang asawang si Anthony Mejia, 35, ng nasabing lugar.

Dakong 1:00 ng umaga nitong sabado nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa matapos makumpirma ng ginang na may ibang babae ang asawa, na nauwi sa sigawan.

Kinuha ni Mejia ang kanyang baril at binantaang papatayin ang ginang kapag hindi ito umalis sa bahay, kaya dumulog ang huli sa himpilan ng pulisya at ipinagharap ng reklamo ang mister.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napag-alaman na madalas bugbugin ng suspek ang kanyang asawa, na nagtitiis na lamang para manatiling buo ang kanilang pamilya. (Leandro Alborote)