ZAMBOANGA CITY – Isang babae at kanyang limang-buwang anak na lalaki ang agad na nasawi habang kritikal naman ang kanyang mister at ang kanilang driver matapos na sumalpok sa nakaparadang truck ang sinasakyan nilang Toyota Vios sa Tigbao, Zamboanga del Sur.

Agad na binawian ng buhay sina Gay-Gay Alejandro at Jeron Alejandro, 5 buwan; habang isinugod naman sa Jamellarin Hospital sa Pagadian City ang mister ng ginang na si Ricky Alejandro at ang driver ng kotse na si Arvin Pabinal Climaco, 28, ng Barangay Pasonanca, Zamboanga City.

Nagtamo ng mga sugat at bali sa buto sina Ricky at Climaco.

Nangyari ang aksidente, dakong 9:00 ng umaga nitong Mayo 25, sa hangganan ng mga barangay ng Nilo at Maragang sa Tigbao. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar