PEÑARANDA, Nueva Ecija - Patay ang isang kapitan ng barangay habang nasugatan naman ang kasama niyang driver makaraan silang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem, sa tapat ng St. Francis of Asissi Church, habang dumadalo sa libing ng isang kaanak sa Barangay Poblacion II sa bayang ito.

Kinilala ng Peñaranda Police ang biktimang si Maximo Binuya y Norte, 58, biyudo, chairman ng Bgy. Bagong Sicat, Talavera; habang sugatan naman ang driver niyang si Danilo Ibay y Penson, 41, residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jonathan Malicse, dakong 8:30 ng umaga at papasakay na sa Toyota Hi-Ace Van (ABJ-3537) ang mga biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek na naka-motorsiklo at nilapitan at pinagbabaril ang mga biktima.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog