Patay ang isang pulis makaraan siyang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek na miyembro ng riding-in-tanderm sa Barangay Villa Kananga, Butuan City, Agusan del Norte, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa Butuan City Police Office (BCPO), nangyari ang insidente dakong 6:00 ng gabi nitong Martes sa national highway ng Purok 6 sa Bgy. Villa Kananga.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay kay SPO2 Roldan Damayu, nakatalaga sa Intelligence Section ng BCPO.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang biktima nang biglang mag-overtake ang mga suspek at pinagbabaril siya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Agad na nasawi si Damayu dahil sa mga tama ng bala sa katawan at ulo.

Nabatid na tiniyak pa umano ng suspek na patay na si Damayu matapos itong bumaba sa sinasakyang motorsiklo para muling barilin ang pulis at kuhanin ang service firearm nito. (Fer Taboy)