PEÑARANDA, Nueva Ecija - Pinaniniwalaang natuldukan na ng Peñaranda Police ang talamak na carnapping sa bayang ito makaraang masakote ang isang 18-anyos na carnapper sa Barangay Polilio, Cabanatuan City.

Sa ulat ng Peñaranda Police kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang naaresto na si John Patrick Mabalay y De Guzman, binata, walang trabaho, ng Bgy. San Josef sa bayang ito.

Naaresto si Mabalay sa bisa ng arrest warrant mula sa Regional Trial Court sa Gapan City, at maaaring magpiyansa ng P180,000.

Nangunguna rin si Mabalay sa priority target list ng Peñaranda Police. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!