Dwane Casey

NEW YORK (AP) — Pinatawan ng one game suspension si Dahntay Jones ng Cleveland bunsod ng sadyang pagsipa sa ari ni Toronto center Bismack Biyombo sa huling segundo ng Game 3 kung saan nagwagi ang Raptors para tapyasin ang bentahe ng Cavs, 1-2.

Pinagmulta naman ng NBA si Raptors coach Dwane Casey $25,000 nitong Linggo (Lunes sa Manila) bunsod ng paglalahad ng kritisismo laban sa mga opisyal sa publiko.

Ikinadismaya ni Casey ang aniya’y ‘inconsistency’ ng tawagan ng mga referee na aniya’y naging daan para umabot sa sakitan ng player ng sitwasyon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Awtomatiko ang suspension ni Jones sa Game 4 ngayong Lunes ng gabi (Martes sa Manila) sa Air Canada Center.

Tatangkain ng Raptors na maitabla ang serye at patunayan na hindi tsamba ang panalo laban sa grupo ni LeBron James.

Ngunit, may napaulat na posibleng hindi makalaro si Biyombo, humugot ng franchise record 26 rebound sa 99-84 panalo ng Raptors sa Game Three dahil sa naturang insidente.

Wala namang ulat sa kalagayan ni Cavs star point guard Kyrie Irving na hindi na tinapos ng laro at paika-ikang nagbalik sa locker room sa final period ng laro.