Maaari nang magsimula sa operasyon ang grupo ni incoming party-list Rep. Michael Romero sa 10-ektaryang Harbour Centre Terminal.

Ito ay makaraang magpalabas ng go signal ang Court of Appeals (CA) sa kampo ni Romero para pangunahan ang operasyon sa nasabing terminal na unang inangkin ng kanyang amang si Reghis Romero II noong Oktubre 2014.

Sa 22-pahinang desisyon na ipinonente ni Associate Justice Leoncia Real-Dimagiba ng CA Special 15th Division, nakasaad na ang One Source Port Services, Inc. ang tunay na operator ng Harbour Service Centre salig sa valid at legal port ancillary services contract at port services management na nilagdaan nito sa Harbour Centre Port Terminal, Inc. (HCPT) noong Enero 22, 2007 at Hunyo 5, 2014.

Ayon sa korte, ang nasabing kontrata ang nagbigay sa One Source Port ng karapatan na pangasiwaan ang buong pasilidad ng terminal.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kinatigan din ng Appellate Court ang writ of preliminary injunction na inisyu ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 presiding Judge Rolando Mislang noong Disyembre 18, 2014 na tuluyan nang nagbabawal sa kampo ng matandang Romero na magpalawang-bisa sa mga kontrata ng One Source at pagkontrol ng port operations.

Lumitaw din na ilegal ang pagtanggi ng matandang Romero na kilalanin ang mga kontratang pinasok nito sa One Source dahil sa kakulangan ng judicial determination bunsod ng hindi pagsunod sa mga nakasaad na kontrata. - Beth Camia