ORLANDO, Fla. (AP) — Kinuha ng Orlando Magic si Frank Vogel bilang head coach ng koponan sa susunod na NBA season.

Nagkausap at nagkasundo nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang Magic officials at si Vogel, ayon sa isang opisyal na may direktang kinalaman sa usapin, ngunit tumangging pangalanan.

Papalitan ni Vogel si Scott Skies, sorpresang nagbitiw bilang coach sa pagtatapos ng regular season. Galing si Vogel sa Indiana Pacers na ginabayan niya sa playoff sa limang sunod na taon.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!