Bukas na ang pagpapatala para sa paglahok sa 6th Manila Bay Clean-Up Run na itinataguyod ng Manila Broadcasting Company (MBC).

Lalarga ang karera sa Hulyo 10.

May nakalaang cash prizes at medalya para sa mga magwawagi sa 3K, 5K, 10K at 21K dibisyon sa patakbong bukas para sa lahat ng running buff, sports aficionados, gayundin sa mga miyembro ng iba’t ibang running club.

Tumatanggap na nang lahok sa MBC looby sa Sotto St., CCP Complex, Pasay City, gayundin sa lahat ng outlet ng Olympic Village sa Trinoma, Market Market, Alabang Town Center, Gateway Mall, SM Taytay at Robinson’s Antipolo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Patuloy na tumutugon ang MBC, gayundin ang iba pang establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang pagtambak ng basura sa baybayin ng Manila Bay, pati na rin sa kailugan, estero at iba pang maliliit na daluyan ng tubig na nag-uugnay dito.

Ang fun run ay bahagi ng mga proyektong nakatuon para sa pangangalap ng pondo na kailangang gamitin para mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at karagatan ng Manila Bay.

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa programa at sa Clean-Up Run, makipag-ugnayan sa Runner link sa mobile no. 0926-2052787