Sugatan ang 21 kataong sakay sa isang pampasaherong jeep makaraang sumalpok ang huli sa pader sa palusong na bahagi ng Oliveros Street, Ortigas Extension sa Barangay Dela Paz, Antipolo City, kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasugatan ang tatlong bata, na patuloy na ginagamot sa Amang Rodriguez Memorial Hospital sa Marikina City, habang ang driver ng jeep at iba pang pasahero ay dinala sa Regalado Hospital.

Ayon sa Antipolo City Traffic Office, madalas ang aksidente sa nasabing lugar dahil palusong at aspaltado ang kalsada. (Mac Cabreros)

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod