Pinaghahandaang mabuti ng Wrestling Association of the Philippines, sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Alvin Aguilar, ang nakatakdang pagdaraos sa bansa ng Asian Junior Wrestling Championships.

Ang kumpetisyon na para sa mga wrestler na nasa edad 18-pababa ay nakatakdang ganapin sa Mayo 31 hanggang Hunyo 5, sa Marriot Hotel sa Pasay City.

Tinatayang 300 kabataang wrestler ang lalahok sa kumpetisyon na dadaluhan din ng mga matataas na opisyal ng Asian Wrestling Federation.

Umaasa si Aguilar na hindi mapapahiya ang Pilipinas bilang host sa kanilang mga panauhin at sa lahat ng mga delegasyong darating.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Nakatakdang paglabanan sa nasabing Asian Championships ang Greco Roman at Freestyle. - Marivic Awitan