Patay ang isang 40-anyos na pinaghihinalaang holdaper makaraang pagbabarilin ng isang hindi kilalang suspek na sakay sa bisikleta sa Malabon City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Malabon City Police chief Senior Supt. John Chua ang biktima na si Ariel Sevilla, alyas “Dragie.”

Sinabi ni PO3 Roger Gonzales na naglalakad si Sevilla sa Camus Extension at pauwi na dakong 9:50 ng gabi nang lapitan ng suspek na nakasakay sa bisikleta at ilang beses na binaril sa katawan.

Bago ang insidente, sinabi ng pulisya na nasangkot sa insidente ng holdapan si Sevilla sa Arellano Street, Barangay San Agustin nitong Abril 22.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Napag-laman din na kinasuhan ng robbery si Sevilla dahil sa insidente, pero ibinasura rin ito matapos umatras ang complainant. - Ed Mahilum