Ni Robert R. Requintina

Kapalaran ni Rodrigo Duterte ang maging presidente ng Pilipinas, batay sa physiognomy o sa sistematikong sining ng face-reading, sinabi ng isang feng shui expert kahapon.

“Rodrigo Duterte has Yang Fire which means that he will rise and give warmth to everyone. Politics and show business are Fire element jobs, that's why he fits. But he needs Water element to balance his life because he is a strong Fire person. Too much Fire is not good while lacking in Water element is also not good. It has to be balance,” sinabi ni Master Hanz Cua, sa isang eksklusibong panayam sa Mandaluyong City.

Ang physiognomy o face-reading ay ang sining ng pagtukoy sa ugali at mga katangian ng isang tao batay sa mga bahagi ng mukha. Nagmula ito sa China at ginamit ng mga manggagamot sa pagtukoy sa mga sakit o sa iindahing karamdaman sa hinaharap. Kalaunan, kumalat na rin ang face-reading sa mga kalapit na bansa gaya ng Japan, India, at Korea.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bandang 1200s nang maging popular ang face-reading sa Europe hanggang sa makarating na rin sa Amerika. Napaulat na gumamit ng face-reading si US President Abraham Lincoln sa pagpili ng mga miyembro ng kanyang Gabinete noong 1861.

Sa kanyang pagsusuri sa facial features ni presumptive President Duterte, sinabi ni Cua: “Our next president has big nose. It signifies that he is a good leader. People with big nose are good leaders. They have strong character. They are risk-takers and full of courage. ‘Pag sinabi nila, gagawin nila.”

Ang manipis na kilay naman ng Davao City mayor ay nangangahulugang marunong itong makihalubilo sa kahit na anong uri ng tao. “Magaling silang makisama. They know how to adjust with others and with various cultures,” ani Cua.

Ang malapad na noo naman ni Duterte, ayon kay Cua, ay nagpapahayag ng katalinuhan ng susunod na presidente ng bansa. “The lines on Duterte's forehead show that he worked hard when he was younger and determined to achieve his goals,” aniya.

Ang brown na mga mata ni Duterte “signifies endurance”, ayon kay Cua. “They have lots of energy and they think fast. Hindi sila mabilis sumuko sa pagod.”

Ang maliliit na mata naman ng alkalde ay nangangahulugang metikuloso at perfectionist ito, tinitimbang-timbang ang mga bagay-bagay bago magbitaw ng malalaking desisyon, ayon sa feng shui expert.

Sinabi pa niyang ang malalaki at mahahabang tenga ng 71-anyos na opisyal ay nangangahulugan ng “long life and good health.”

“He has Buddha's ears which means prosperity,” sabi ni Cua. “Believe it or not, maganda ang hinaharap ng Pilipinas dahil sa Buddha ears niya.

“Nakikita ko sa face niya na magiging maganda ang economy ng Philippines once na mag-umpisa na siya (na manungkulan),” dagdag pa ni Cua.