WASHINGTON (AFP) – Nagpahayag ang United States nitong Martes ng kasabikang makatrabaho ang sino mang mananalo sa presidential election sa Pilipinas, kasunod ng napipintong panalo ni Rodrigo Duterte.

"We look forward to working with and congratulating the winner," wika ni State Department spokeswoman Elizabeth Trudeau, matapos luminaw ang panalo ng 71-anyos na firebrand sa botohan noong Lunes.

Binigyang diin ni Trudeau na hindi pa nakumpirma ang mga opisyal na resulta, ngunit sinabi na makikipagtrabaho ang United States sa sino mang mananalo.

"Washington respects the choice of the Philippines' people. We will gladly work with the leader they've selected," dagdag niya.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Hindi itinago ni Duterte, nangakong pupuksain ang krimen at korupsiyon, na mayroon siyang mga vigilante death squad bilang mayor ng Davao at naglunsad ng umaapoy na kampanya.

Umangat si Duterte sa media coverage ng kampanya at naging laman ng mga balita sa iba’t ibang bansa sa kanyang walang prenong pananalita, minura ang papa at paulit-ulit na ipinagmalaki ang kanyang Viagra-fuelled affairs.

Lalo siyang kinainisan sa diplomatic circles sa biro niya na sana ay siya ang naunang gumahasa sa isang Australian missionary na napatay sa riot sa kulungan sa Pilipinas noong 1989.

Nagalit si Duterte nang batikusin ng mga ambassador ng US at Australia ang kanyang mga komento at nagbanta pang puputulin ang ugnayan sa Washington, isa sa pinakamahigpit na kaalyado ng Pilipinas.

Nitong Martes, sinabi niya na bahala na ang mga opisyal ng US na ayusin ang relasyon sa kanya at nagpahiwatig na handa siyang makipag-usap sa Beijing kaugnay sa sensitibong iringan sa teritoryo sa South China Sea.

At hindi naman ito nakasama.

"The United States has consistently expressed support for nations to exercise peaceful means to resolve territorial or maritime disputes without the use of force, intimidation or coercion," sabi ni Trudeau.