GAME na sinagot ni Kim Domingo ang tanong namin kung ano ang kanyang vital statistics na gusto sanang malaman ng press people sa presscon ng Juan Happy Love Story, pero hindi sila nagkaroon ng chance ma-interview ang sexy star.

After ipakilala ang cast ng hot and sexy series ng GMA-7 na magpa-pilot sa May 16, umalis agad kasi si Kim. Bumalik siya sa taping ng Bubble Gang dahil pinull-out lang siya para makadalo sa presscon ng Juan Happy Love Story.

Kaya nang makausap namin si Kim sa special screening ng pelikulang Magtanggol, ang vital statistics niya ang isa sa aming itinanong. Sexy nga si Kim sa kanyang 34-26-36 vital stats ito’y kahit may mga hindi naniniwalang 34 inches lang ang boobs dahil malaki raw for her age, 21 years old.

“Masaya ako sa role ko sa Magtanggol bilang wife ni Tom Rodriguez. May konting kissing scene at bed scene, pero magkatabi lang kami sa bed.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Proud ako na makasama sa movie na ito dahil maganda at advocacy film ng Felix and Bert Film Productions. Saka iba ang feeling na makaeksena sina Mr. Jonee Gamboa at Ms. Dina Bonnevie,” pahayag ng dalaga.

Happy at excited din si Kim sa Juan Happy Love Story na first teleserye niya dahil mga bigating artista ng Kapuso Network ang makakaeksena niya.

“Hindi nga ako makapaniwala noong una na pumasa ako sa audition bilang pagseselosan ni Heart Evangelista kay Dennis Trillo. Dream come true ito sa akin dahil bata pa lang ako, gusto ko na talaga maging artista. Akala ko hanggang Bubble Gang lang muna ako,” kuwento ni Kim.

Pumirma ng one-year contract sa GMA Artist Center si Kim na dalawa agad ang show.

‘Tapos may pelikula pa siya, mukhang hindi na nga mapigilan ang pagsikat ng tinatawag na bagong Pantasya ng Bayan.

Ano ang masasabi niya sa binanggit ni Dennis na natulala ito nang first time siyang makitang two-piece swimsuit?

“Kung natulala siya, ako naman nagulat sa sinabi niya.

Hindi ko ini-expect na ganu’n ang magiging reaction niya.

Thank you na lang sa kanya,” pagtatapos na sagot ni Kim.