Epektibo ngayong Lunes ang “no work, no pay” kaugnay ng pagdaraos ng bansa ng national at local elections, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).

Ayon kay DoLE Secretary Rosalinda Baldoz, ito ay alinsunod sa pagdedeklara ni Pangulong Aquino sa Mayo 9, 2016 bilang isang special non-working holiday upang makaboto ang mga manggagawa.

Ang mga magtatrabaho ngayon, ani Baldoz, ay tatanggap ng 30% ng kanilang arawang kita sa unang walong oras ng trabaho, at 30% ng kanilang hourly rate kung mag-o-overtime.

Kung rest day at pumasok, may dagdag na 50% ng arawang suweldo ang manggagawa sa unang walong oras ng pagtatrabaho. - Samuel Medenilla

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'