MADELLA, Quirino - Anim na katao ang iniulat na nasawi habang sampung iba pa ang malubhang nasugatan matapos na mahulog ang sinasakyan nilang utility van sa 50-metro ang lalim na bangin sa kabundukan ng Sierra Madre, partikular sa Barangay Ysmael sa Maddela, bandang 2:30 ng umaga kahapon.

Nabatid sa report na ipinadala kahapon ni Chief Insp. Avelino Cuntapay, public information officer ng Quirino Police Provincial Office, patungo ang magkakaanak na biktima sa isang outing sa Aurora nang mawalan ng kontrol ang brake ng van.

Ayon sa report, ang puting utility van (BVU-145) ay minamaneho ni Edgar Taccaban, na agad na nasawi sa aksidente, gayundin sina Ester Mamauag, 57; Matdang Mammuag, 50; Maxi Mammauag, 50; Salsedo Mammuag, 58; at Nora Cordona, 52 anyos.

Dinala naman sa Quirino Provincial Medical Center sa Cabarroguis ang mga nasugatan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Galing sa Cauayan City, Isabela ang mga biktima at patungong Aurora nang mangyari ang aksidente. (LIEZLE BASA IÑIGO)