HINDI na naman naiwasang pumatol sa basher ni Louise delos Reyes dahil sa masasakit na comments na ibinato sa kanya dala ng pagpo-post niya ng kanyang picture sa Instagram suot ang t-shirt na may nakasulat na “Bae.”

Louise Delos Reyes

Ang feeling ng ibang Aldub Nation fans, sinadya ni Louise na magsuot ng t-shirt na associated kay Alden Richards ang nakasulat. Ginagawa raw ito ng aktres para mapansin, mapag-usapan at para mai-promote ang Afternoon Prime niyang Magkaibang Mundo na mapapanood simula May 23 sa direction ni Mark dela Cruz.

Sa rami ng namba-bash kay Louise, ang comment na mag-deactivate siya sa IG ay isinagot niya ng, “Ikaw muna mag-deactivate, total isa pa lang naman post mo. Medyo hindi kawalan #justsaying.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Anyway, masaya si Louise sa bagong teleserye dahil magaan ang tema at may halo pang fantasy. May duwende na gagampanan ni Juancho Triviño, may bad stepsisters na gagampanan nina Isabelle de Leon at Liezl Lopez at may witch stepmother na gagampanan ni Gina Alajar. --Nitz Miralles