Nagbabala ang United States at Britain sa kanilang mga mamamayan na iwasan ang bumiyahe sa katimogan ng Pilipinas kung saan sunod-sunod ang mga pagdukot nitong mga nakaraang linggo.
Inilabas ng U.S. State Department ang babala nitong Huwebes sa mga Amerikano na iwasan ang hindi importanteng biyahe sa Sulu archipelago “due to the high threat of kidnapping of international travelers, increased threat of maritime kidnappings against small boats ... and violence linked to insurgency and terrorism there.”
Naglabas naman ang British Embassy noong Miyerkules ng kaparehong travel warning, binanggit ang “high threat from terrorism, including kidnapping.” (AP)