Inamin ni Leyte Rep. Martin Romualdez na malaki ang ginampanang papel ni dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas kasunod ng pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’ sa lalawigan noong Nobyembre 2013.

“He did his honest best and risked his life to warn the people, but he and (Defense) Secretary (Voltaire) Gazmin were victims too,” sabi ni Romualdez.

Layunin ng kongresista na itigil na ang sisihan tungkol sa usapin ng Yolanda, partikular dahil madalas gamitin ng mga katunggali ni Roxas ang naging performance nito sa rehabilitasyon ng Leyte kasunod ng pananalasa ng bagyo.

Nagpasalamat naman si Roxas sa naging pahayag ni Romualdez, at sinabing nagagalak siya na lumabas din ang katotohanan tungkol sa matagal nang isyu laban sa kanya. (Beth Camia)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20