Chris Algieri vs. Errol Spence

Brooklyn, NY (AP) – Naitala ng sumisikat na welterweight contender na si Errol Spence Jr. ang pinakamalaking panalo sa kanyang career nang pabagsakin sa ikalimang round si dating WBO Light Welterweight champion Chris Algieri nitong Sabado (Linggo sa Manila), sa Barclays Center. 

Kaagad na pinaliguan ng bigwas ni Spence Jr. (20-0, 17 KOs) sa katawan at mukha si Algieri, nagtamo rin ng knockout lost kay Manny Pacquiao, may dalawang taon na ang nakalilipas sa Macau.

Napuruhan ni Spence Jr., 2012 US Olympian, si Algeiri sa ikaapat na round at tuluyang napaluhod sa kaagahan ng ikalimang round.

Caloy balak gawing misis si Chloe sa 2025, gawing nanay naman sa 2028

Kaagad na hinamon ni Spence Jr. para sa susunod na laban si Kell Brook ng United Kingdom, mandatory challenger sa mananalo sa duwelo nina Keith Thurman at Shawn Porter sa Hunyo.

Samantala, nailusot ng walang talong si Light Heavyweights Marcus Browne ng United Island, NY at matikas na ratsada ni Radivoje Kalajdzic para makuha ang split decision win.

Ibinigay ng mga hurado ang iskor na 76-74, 76-75 at 74-76 pabor kay Browne.