Iginiit ni Senador Sonny Angara na tulungan ng pamahalaan ang mga bagong nagtapos sa kolehiyo habang sila ay naghahanap ng mapapasukang trabaho.

Sa kanyang Senate Bill 59 o Bill of Rights for New Graduates, isang taong aalalayan ng pamahalaan ang bagong graduate hanggang sa makakuha ng trabaho.

Sa ilalim nito, wala muna silang babayaran sa Social Security System, PhilHealth at Pag-ibig, sa loob ng isang taon.

Ililibre din sila sa bayarin sa pagkuha ng NBI at police clearance, birth certificate, passport, tax identification number (TIN) at iba pang dokumento na kakailanganin sa pag-a-apply ng trabaho.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang mga estudyante na kabilang sa top 10 percent ng kanilang kolehiyo ay hindi na obligadong kumuha ng civil service eligibility para makapagsilbi sa gobyerno.

Kabilang rin sa mga insentibong bagong nagtapos ang student fare discount sa lahat ng uri ng transportasyon, libre sa travel tax at airport terminal fees sa loob ng isang taon simula sa kanilang graduation date. (Leonel Abasola)