PASIG_FIRE_AFTERMATH_02_BALMORES_170416 copy

Patay ang apat na katao, kabilang ang dalawang bata, sa sunog sa Pasig City nitong Biyernes ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Quelcy Mhiel Peligro, 4; Joe Anne Faye Peligro, 2; Fidel Lacio, 60; at Enrique Sanchez, 64 na taong gulang.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), pasado 3:00 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa F. Santos Street sa Barangay Palatiw.

National

Sen. Bato, nakiusap kay PBBM hinggil kay Quiboloy: 'Huwag ninyong isara utak ninyo!'

Dagdag ng BFP, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Widney Rivas hanggang sa nadamay at natupok ang nasa 50 bahay.

Aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan at ngayon ay pansamantalang naninirahan sa mga covered court ng Bgy. Palatiw at Bgy. Sto. Tomas.

Inaalam pa ng awtoridad ang dahilan ng sunog, gayundin ang halaga ng naabong ari-arian.