Sa halip na tumutok sa isyu ng kurapsiyon sa gobyerno, prioridad ni Bayan Party-list Rep. Neri Colmenares, senatorial bet ng Partido Galing at Puso (PGP), na ipaglaban ang sobrang buwis na sinisingil sa mamamayan subalit hindi naman inilalaan sa mahahalagang proyekto.

Sa kanyang pagharap sa “Hot Seat” candidates’ forum sa Manila Bulletin kahapon, binatikos ni Colmenares ang umano’y pagkontra ng gobyernong Aquino na babaan ang buwis at itigil ang paniningil ng value added tax (VAT) sa mga serbisyo na hindi naman naipagkaloob, tulad ng tinaguriang “systems loss” ng mga power at water utility company.

Aniya, hindi ito kayang sikmurain ng mga Pinoy lalo na sa nararanasang “government underspending”, na P734 bilyon ang hindi nailalaan ng gobyerno sa mahahalagang imprastruktura nitong termino ni Pangulong Aquino.

Hindi rin, aniya, maitatago ang pagkamanhid ng gobyerno sa kapakanan ng mga maralita matapos i-veto ni Aquino ang panukala na dagdagan ng P2,000 ang buwanang pensiyon ng mga retirado sa pribadong sektor.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo 9, mahalal man siya o hindi sa Senado, sinabi ni Colmenares na isusulong niya sa Kongreso ang pag-override sa veto sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 23 dahil sa posibilidad na malagdaan na ito lalo dahil; mayroon nang bagong pangulo ang bansa. (Ben Rosario)