Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes ng madaling araw.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ng Abril 12 ay magtatapyas ito ng 70 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina, 55 sentimos sa kerosene, at 50 sentimos sa diesel.

Hindi naman nagpahuli ang Pilipinas Shell, na magpapatupad din ng kaparehong bawas-presyo sa petrolyo nito, bandang 6:00 ng umaga.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kahalintulad na oil price rollback kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Abril 5 nang pangunahan ng Flying V at Shell ang price rollback na 60 sentimos sa kada litro ng diesel, 40 sentimos sa kerosene, at 15 sentimos sa gasolina. - Bella Gamotea