Isinilid sa garbage plastic bag ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na biktima ng summary execution at itinapon sa isang bakanteng lote sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 17-25, may taas na 5’7”, may limang tattoo ng ‘DOTS’ sa kanang kamay, nakasuot ng violet na T-shirt na nasusulatan ng ‘Bereykel Enterprises’, at gray na maong shorts.

Tinalian ng masking tape ang ulo at bibig ng biktima, na pinagkasya sa isang garbage plastic bag.

Base sa report ng Scene on the Crime Operations (SOCO), pinatay sa sakal ang lalaki, na walang sugat sa katawan.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ayon kina SPO2 Ray Bragado at PO3 Michael Oxina, ng Station Investigation Unit (SIU), dakong 3:20 ng umaga nang makita ng isang tricycle driver ang garbage bag sa bakanteng lote sa No. 3117 Rosario Street, Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Dumating ang mga pulis at laking gulat nang makitang bangkay ang laman ng plastic bag. (Orly L. Barcala)