Bagamat may dalawa ng Pinoy boxer ang nag- qualify sa darating na Olympics, patuloy pa ring makikipagsapalaran ang mga boksingero ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) upang makakuha pa ng karagdagang slots para sa Rio de Janeiro Summer Games sa darating na Agosto.

Sabak ang Team Philippines sa dalawa pang Olympic qualifying event, ayon kay ABAP executive director Ed Picson na kinabibilangan ng AIBA Women’s World Boxing Championship sa Mayo 19-27 sa Kazakjstan at AIBA World Olympic Qualifying Tournament sa Hunyo 7-19 sa Baku, Azerbaijan.

“We have scheduled several exposures, both local and international. We’re already talking to the people concerned kung saan namin sila pwedeng dalhin, what sort of training they need,” ayon kay Picson.

“We need to focus on the strength and conditioning aspect din to complement the tactics and strategy of our boxers,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakalusot na para sa Rio Games sina light flyweight Rogen Ladon (49 kgs) at lightweight Charly Suarez (60 kgs).

Ilan sa mga boksingerong inaasahang makikipagsapalaran para sa dagdag na Olympic berths sina Eumir Felix Marcial, Mario Fernandez, Roldan Boncales at dating Olympian Mark Anthony Barriga at sina Irish Magno, Nesthy Petecio o Josie Gabuco. (Marivic Awitan)