BORACAY ISLAND – Itatampok ang isang Pinoy diver sa ginagawang full length movie documentary hinggil sa pangangalaga sa kalikasan na unti-unti nang nasisira.

Ayon kay Benjie Tayag, opisyal at diver ng Sangkalikasan Producers Cooperative (SPC), nakapag-shoot na sa bansa ang batikang direktor at award-winning producer na si Will Harper para sa documentary film na may titulong Earth: Code Blue. Kilala si Harper bilang producer ng maraming pelikula ng Hollywood stars na sina Clint Eastwood, Jamie Fox, Oprah Winfrey, at iba pa.

Ayon kay Tayag, bukod sa Pilipinas partikular sa isla ng Boracay, tampok din sa pelikula ang mga usapin sa kalikasan sa Singapore at Indonesia.

Kinuhanan sa Boracay, kasama si Tayag sa advocacy nito sa coral reforestation sa isla ng Boracay, sa pangunguna ng SPC.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tampok sa pelikulang Earth: Code Blue ang unti-unting pagkamatay ng planet Earth. Itatampok din sa dokyu ang kabayanihang ginagawa ng mga Pinoy sa pangangalaga ng corals sa isla kasama ang SPC at DOST. (Jun Aguire)