Dalawang driver ng bus na nahuli kamakailan ng netizens na walang pakundangan kung magmaneho ang humarap sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon upang magpaliwanag.

Ang video ay nagpapakita sa ALPS bus company driver na si Reneboy Gunio na nakikipaggitgitan sa isang container van.

Sinabi ni Gunio, isang buwan pa lamang na nagmamaneho ng bus, na ang container van ang unang umagaw sa kanyang linya at gumanti lamang siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa ikalawang video, makikita ang driver ng isang pribadong sasakyan na napilitang huminto sa gilid ng kalsada matapos bigla siyang agawan ng linya ng Jac Liner bus driver na si Jernan Luardo.

Ikinalungkot ni LTFRB board member Atty. Ariel Inton ang pawalang-bahala na pagmamaneho ng mga public utility bus driver at naglabas ng show cause order laban sa kanilang mga kumpanya. (Czarina Nicole O. Ong)