Patay ang isang police informant matapos pagbabarilin nang malapitan ng dalawang pinaghihinalaang hitman sa Pasig City, kamakalawa ng madaling araw.

Batay sa imbestigasyon, nakuha pang makatakbo nang ilang metro ng biktimang si Norvin Ortega, 37, residente ng FRC Villa Guapo, Barangay Palatiw, Pasig City, kahit may tama na ng bala subalit nakorner pa rin ito ng mga suspek bago muling pinagbabaril.

Sinabi ng pulisya na nagsusugal ang biktima kasama ang ilang kapitbahay sa Sampaguita Street sa Caruncho Compound nang lapitan sa likuran at pagbabarilin ng dalawang hinihinalang gun-for-hire, dakong 3:45 ng umaga nitong Linggo.

Naniniwala si Benedicto Ortega, ama ng biktima, na pinagbabaril si Norvin dahil sa pagiging police informant laban sa mga kriminal sa kanilang lugar. (Betheena Kae Unite)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho