DAVAO CITY – Tumugon na si Pope Francis sa liham na ipinadala sa kanya ng presidential aspirant na si Mayor Rodrigo Duterte—at sinasabing pawang magaganda ang mga ginamit na salita ng Santo Papa, punumpuno ng encouragement at panalangin ng mabuting intensiyon para sa alkalde.

Ito ang naging paglalarawan ni Davao City Archbishop Romulo Valles sa liham ni Pope Francis, sa press conference na ipinatawag kahapon sa tahanan ng obispo.

Bagamat hindi tuwirang kinumpirma kung napatawad na si Duterte sa pagmumura nito sa Santo Papa sa isang political rally noong nakaraang taon, sinabi ni Archbishop Valles na tanging ang alkalde lamang ang makapagdedetalye ng eksaktong nilalaman ng liham ng Santo Papa.

Sinabi ni Valles na Enero 21 nang lumiham si Duterte sa Santo Papa, at naipadala ito sa Vatican sa Rome sa pamamagitan niya.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

“Mayor Duterte’s letter was open. I put and sealed it in envelop and also coursed it through the Papal Nuncio then to the Vatican,” ani Valles, na tumanggi ring ilahad ang nilalaman ng liham ni Duterte sa Santo Papa.

Aniya, ang tugon ni Pope Francis ay may petsang Pebrero 24 at tinanggap ng kanyang opisina nitong Marso 12, ngunit dahil sa kaabalahan nitong Semana Santa, noong nakaraang linggo lang umano nabasa ng arsobispo ang liham.

Binasa lamang ni Valles ang cover letter na pirmado ni Angelo Becciu, ng Secretariat of the State sa Vatican, may No. 88.132, at may petsang Pebrero 24, 2016.

Nakasaad sa cover letter ni Becciu para kay Duterte: “He appreciates the sentiment which you expressed. The Holy Father offers the assurance of his prayers for you, as he invokes upon you the divine blessings of wisdom and peace.”

Nauna rito, kinumpirma ni Duterte na natanggap na niya ang liham mula sa Santo Papa, at sinabing ilalahad niya ang nilalaman nito pagkatapos ng eleksiyon sa Mayo 9. (Alexander D. Lopez)