KAPILING ni Ronnie Corbett, komedyanteng sumikat sa The Two Ronnies, ang kanyang buong pamilya hanggang sa kanyang huling hininga, ayon sa kanyang publicist nitong Huwebes. Siya ay 85.
Sa pagbuhos ng pakikiramay ng mga kapwa entertainer, sinabi ni Prime Minister David Cameron na kakaibang talent ang taglay ni Corbett sa pagpapatawa.
“He’ll be remembered as one of the all time great comedians,” pahayag ni Cameron sa Twitter.
Ipinanganak sa Edinburgh noong 1930, maagang nagdesisyon ang anak ng baker na gusto niyang maging aktor, at nagtungo sa London para simulan ang kanyang career sa entablado at telebisyon noong 1950s.
At sa taas na limang talampakan, maraming ginampanang papel si Corbett na mas bata sa kanyang tunay na edad, at palagi niyang ginagawang biro at katatawanan ang kanyang height.
Noong 1960s, napapanood siya sa mga cabaret show sa Winston’s, Danny La Rue’s nightclub sa eksklusibong Mayfair district ng London, at nakita siya ng TV host na si David Frost na nag-imbita sa kanya para lumabas sa The Frost Report.
Ipinalabas sa BBC simula 1971 hanggang 1987, umabot sa 17 milyon ang manonood noong kasikatan ng show.
“RIP the lovely, funny legend Ronnie Corbett,” pahayag ng komedyantengs si Ricky Gervais sa Twitter. “It was an absolute honor and joy to have known him.”
Sinabi naman ni BBC Director-General Tony Hall na: “He was quite simply one of the true greats of British comedy.”