NEW YORK (Reuters) – Daan-daang homing pigeon na inaalagaan sa tuktok ng isang Brooklyn row house ang kabilang sa mga biktima ng sunog nitong linggo na nakaapekto sa 20 pamilya sa New York borough, sinabi ng mga awtoridad nitong Huwebes.

Ang mga pigeon, iniingatan dahil sa long-distance racing skills ng mga ito, ay namatay sa sunog nitong Martes ng gabi na ikinatupok ng limang row house sa Bushwick section ng Brooklyn. May 200 emergency personnel ang rumesponde sa sunog na umabot sa ikaanim na alarma, ayon sa Fire Department ng New York.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina