CABANATUAN CITY - Makalipas ang may 28 taong pagtatago, bumagsak na rin sa kamay ng pulisya ang isang 50-anyos na lalaki na naaresto sa Phase II sa Barangay Kapitan sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Supt. Joselito Villarosa, Jr., hepe ng Cabanatuan City’s Finest, ang naaresto na si Damian Emilio Bargas, ng Villa Benita Subdivision, Bgy. H. Concepcion.

Dating barangay tanod chief, si Bargas ang itinuturong utak sa tangkang pagpatay noong Disyembre 3, 1998, sa Bangued, Abra. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog