Laro sa Linggo

(San Beda College gym)

8 n.u. -- St. Patrick vs EAC-ICA (jrs-A)

9:30 n.u. -- PACE vs Sta. Maria (jrs-A)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

11 n.u. -- Adamson vs Arellano (srs-A)

12:30 n.h. -- San Beda vs EAC (srs-B)

2 n.h. -- UE vs Adamson (women)

Sisimulan ng San Beda Red Lions at Arellano University Chiefs ang kampanya sa pakikipagtuos sa magkahiwalay na karibal sa pagbubukas ng 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament sa Linggo sa St. Placid gym ng San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Haharapin ng Red Lions ang Emilio Aguinaldo College Generals sa ganap na 12:30 ng hapon, habang magtatagpo ang Chiefs at Adamson Falcons sa ganap na 11:00 ng umaga.

Ayon kay league commissioner Robert dela Rosa, limang laro ang nakatakda sa opening day na sisimulan ng labanan sa pagitan ng St. Patrick School-Quezon City at EAC sa junior class sa 8:00 ng umaga.

May kabuuang 37 koponan ang sasabak sa liga, kabilang ang 12 sa senior division, 18 sa junior section, at pito sa women’s class.

Masusubok ang PACE Academy kontra Sta. Maria, Pampanga sa ganap na 9:30 ng umaga sa isa pang junior match, habang magtatagisan ng husay ang University of the East takes at Adamson sa women’s play ganap na 2:00 ng hapon.

Kasama ang defending champion Jose Rizal University-A Heavy Bombers sa Group B, gayundin ang Letran-A, San Beda College, University of Santo Tomas, Emilio Aguinaldo College at Olivarez College.

Nasa Group A naman ang Letran-B, Arellano University, Adamson University, University of Perpetual Help, Centro Escolar University at JRU-B.