SAN CLEMENTE, Tarlac – Isang dalagita ang ginahasa ng kanyang amo sa Purok 7, Barangay Poblacion Norte, San Clemente, Tarlac, iniulat kahapon.

Ayon kay PO3 Cheryl Lacuesta, ang 16-anyos na biktima ay katiwala sa bahay ng suspek na si Brando Primero, 33, may-asawa, at residente rin ng nasabing lugar.

Binabantayan noon ng biktima ang anak ng suspek na natutulog sa kuwarto nang lasing na dumating si Primero at kaagad na hinila ang dalagita. Nanlaban ang biktima at tumakbo palabas ng kuwarto subalit naabutan siya ng suspek sa sala at doon hinalay.

Napag-laman na ilang beses nang pinagsamantalahan ng suspek ang dalagita subalit natatakot na magsumbong sa mga awtoridad dahil sa mga pagbabanta ng suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog