Patay ang isang caretaker makaraang silaban ang kanyang sarili sa bayan ng Goa sa Camarines Sur, iniulat kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Paul Cabug, hepe ng Goa Municipal Police, natagpuan ang sunog na bangkay ni Martin Cortina sa isang construction site.

Nakuha ng pulisya ang isang basag na bote ng alak at isang suicide note sa lugar ng krimen, na roon binuhusan ni Cortina ang sarili ng isang galon ng gasolina bago ito sinindihan.

Nabatid naman sa imbestigasyon na problema sa pamilya ang nagtulak sa biktima upang magpatiwakal. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog