Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa mga lokal na posisyon na lumagda sa mga peace covenant para sa eleksiyon sa Mayo 9 na seryosohin ang nasabing kasunduan.

“We hope that those signing peace covenants will take it seriously,” sabi ni Comelec Spokesman James Jimenez.

“What’s the point of signing a peace covenant if you are not going to live up to it.”

Sinabi pa ni Jimenez na dapat ding tiyakin ng mga kandidato sa kanilang mga tagasuporta na tatalima rin ang mga ito sa peace covenants.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Please make sure that your supporters will also seriously support your goals of having a peaceful and clean campaign,” aniya.

Karaniwan nang mas mainit ang mga lokal na kampanyahan at madalas na nakapagtatala ng mga insidente ng karahasan sa pagitan ng mga magkakatunggali.

Nitong Linggo lamang, nasugatan si Calauan, Laguna Mayor George Berris, na target ang re-election, matapos tambangan ng mga hindi nakilalang armado. (LESLIE ANN G. AQUINO)