CAMP BANCASI, Butuan City – Tatlong magkakapatid na binatilyo ang nasawi habang isa pang teenager ang nasugatan makaraang sumabog ang kinakalikot nilang bala ng .90mm Recoilless Rifle sa Pud-ong Hill, Sitio Kibaritan sa Barangay Malinao, Kalilangan, Bukidnon.

Agad na nasawi sina Delmar Copresos, 15; at Regie Copresos, 11; habang dead on arrival naman sa Bukidnon Provincial Hospital ang kapatid nilang si Roldmar Copresos, 13 anyos, pawang taga-Bgy. Malinao.

Nakatakbo pero nasugatan pa rin si Loyd P. Nanggaska, 13, at maayos na ngayon ang lagay sa kaparehong ospital.

Ayon sa report, pumasok ang mga binatilyo sa military reservation at training area sa Pud-ong Hill sa Camp Kibaritan—na off-limits sa sibilyan—at nakita nila ang bala ng .90mm kaya pinaglaruan ito hanggang sa sumabog dakong 1:00 ng hapon nitong Marso 25. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman