Inihayag kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot sa 13 ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente sa North at Southern Luzon habang ginugunita ang Semana Santa.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama, ang nasabing bilang ay nasawi sa pagkalunod, sunog at aksidente sa mga sasakyan sa Batangas, Quezon, Ifugao, at Cagayan.

Nasa 42 katao naman ang malubhang nasugatan sa Batangas, Tarlac, Quezon, Camiguin, Kalinga, at Baguio City dahil sa iba’t ibang aksidente. - Fer Taboy
Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl