BAGHDAD (AP) - Pinasabugan ng isang suicide bomber ang isang soccer stadium dito nitong Biyernes, na ikinasawi ng 29 na katao at 60 iba pa ang nasugatan, kinumpirma ng mga opisyal.

Nangyari ang pagpapasabog sa kasagsagan ng soccer match sa lungsod ng Iskanderiyah, 30 milya (50 kilometero) ang layo mula sa Baghdad, ayon sa mga opisyal. Kinumpirma ng medical officials ang bilang ng mga namatay. Pribado ang pakikipag-usap ng mga opisyal tungkol sa insidente dahil hindi sila awtorisadong magbigay ng pahayag sa mga mamamahayag.

Inako ng grupong Islamic State (IS) ang responsibilidad sa pag-atake sa kanilang pahayag online, iniulat ng SITE intelligence group, isang monitoring organization.

Nangyari ito kasunod ng pahayag ni Iraqi military spokesman Yahya Rusoul na nabawi ng tropang Iraqi at Sunni tribal fighters ang bayan ng Kubeisa sa probinsiya ng Anbar mula sa IS.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nauna rito, itinataboy ang IS sa mga nayon sa probinsiya ng Nineveh sa pamamagitan ng matitinding coalition airstrike.

Ayon sa mga analyst at coalition officials, inaasahan na nila na habang natatalo ang grupo sa mga labanan ay mas pinaiigting nito ang mga pag-atake sa Iraq at sa iba pang panig ng mundo.

Matatandaang inako rin ng IS ang magkasunod na pambobomba nitong Martes sa Brussels, na ikinamatay ng 31 katao habang nasa 300 naman ang nasugatan.