BALER, Aurora - Dalawampung babaeng bilanggo mula sa Aurora Provincial Jail ang sumailalim sa iba’t ibang skills training kamakailan, sa paggabay ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month ngayong Marso.

Ayon kay Aurora Provincial Warden Amado De Luna, tulong ito ng pamahalaang panglalawigan sa mga babaeng bilanggo upang sa paglaya ng mga ito ay maaaring makapagsimula ng negosyo o pagkakakitaan.

Kabilang sa mga pagsasanay ang pagmamasahe, manicure-pedicure, at iba pa. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog