Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes Santo ng umaga.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ay magtataas ito ng 10 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene, habang walang paggalaw sa presyo ng diesel.

Asahan ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo, kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong taas-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Marso 15 nang nagtaas ang mga oil company, sa pangunguna ng Shell at Flying V, ng P1.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.25 sa diesel, at P1.15 sa kerosene. (Bella Gamotea)