TINAGBA13 copy

NAG-UGAT sa sinaunang pag-aalay ng mga unang ani kay Gugurang (ancient deity ng mga Bicolano) ang Tinagba Festival na taun-taong isinasagawa sa Iriga City tuwing Pebrero 11, kapistahan ng Our Lady of Lourdes.

Kaya tulad ng Peñafrancia Festival sa Naga City, ang Tinagba Festival ay isa ring Marian celebration. Tulad din sa iba’t iba pang festivals sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, ang Tinagba Festival ay paghahalo ng sinaunang pamumuhay ng ating mga ninuno at ng Katolisismo na dinala sa atin ng Europa.

Tulad ng mga nakaraang taon, bukod sa parada ng pinakamalalaking bunga o ani ng iba’t ibang pananim, isinabay ng Iriga sa Tinagba fest nitong nakaraang buwan ang 9 Days Novena sa Our Lady of Lourdes Grotto, Association of Bicol Business Students Regional Congress, Agri Fair, 3rd DE-EDE-YAN Spelling Bee, Magbinaydan 2016 (reunion ng mga Irigueño na sa iba’t ibang bansa na naninirahan), Wikipedia Takes Rinconada (Photography Walk & Expeditions), Belly Gud 4 Health for LGU Employees (health exercise para sa mga empleyado), Blood Letting Activity, 2016 Regional Pormang Campus (Back To School Fashion Show), Guy Jesters International fun run, Extreme Bike Challenge, Regional Festival of Talents, Zumba Marathon Fitness and Run, at Pinaka-Contest 2016 (paligsahan ng pinakamalalaki o pinakamaraming ani, at Festival Dog Show.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Inimbitahan din ng Iriga City local government unit sina Denise Laurel at Ejay Falcon upang makisaya sa pagtatapos ng Tinagba Festival noong mismong kapistahan ng Our Lady of Lourdes.

Maghapon nang araw na iyon isinagawa ang Tinagba Mass, Smart Pera o Bayong, Blessing of Bullcart, Floats & Tagba (tawag sa mga aning iaalay), Lion Dance, Tinagba Parade, Street Dancing, Street Dance Competition, Float Parade, Fantillusion Parade, at Pyromusical Display.

Ang mga nanalo sa Best Tinagba Float competition na may malalaking premyo ay ang (1st) Cluster 3 -- River Unit; (2nd) Cluster 2 -- Highland Mountain & Midland Mountain; at (3rd) Cluster 4 -- National Road.

Ang Best Festival Showdown/Exhibition ay napanalunan naman ng (1st) Cluster 4 -- National Road; (2nd) Cluster 5 -- Poblacion; at (3r) Cluster 1 -- Buhi Road. (Ang bawat cluster ay binubuo ng magkakatabing barangay.)

Samantala, iniuwi naman ang special awards para sa Best Streetdance Parade/Moving Choreography sa Cluster 4 -- National Road at ang Best Streetdance Costume sa Cluster 3 -- River Unit.

  

Ang Iriga ay ang legendary city sa 5th District o Rinconada Area sa Camarines Sur na idineklarang Character City ng dating lady local executive nito na si Madelaine Alfelor-Gazmen at pinagmulan nina Nora Aunor, Eddie Ilarde at iba pang mahuhusay sa larangan ng sining.

Nasa ilalim ito ng pamamahala ngayon nina Cong. Salvio Fortuno at Mayor Ronald Felix “Gang-Gang” Alfelor.

(DINDO M. BALARES)