Mga laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

3 n.h. -- Alaska vs Mahindra

5:14 n.h. -- TNT vs Rain or Shine

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makatabla sa liderato ang tatangkain ng Alaska sa kanilang pagtutuos laban sa Mahindra sa unang laro ngayon sa pagpapatuloy ng elimination ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Isang panalo lamang ang layo ng Aces sa nangungunang Meralco Bolts (6-2) at lamang ng bahagya sa pumapangatlong San Miguel Beer (4-2).

Target ng Aces na makabalik sa wisyo matapos mabigo sa Beermen sa nakaraan nilang laban.

Magsisikap naman ang Enforcers na makabangon sa natamong kabiguan sa nakaraan nilang laban sa kamay ng Rain or Shine Painters upang makaahon sa kinalalagyang ika-6 na posisyon ng team standings taglay ang barahang 3-4.

Sa tampok na laro,ikatlong dikit na panalo ang tatangkain ng Elasto Painters upang manatiling nasa ika- apat na puwesto (4-3).

Para naman sa katunggaling Tropang Talk N Text, pipilitin nitong dugtungan ang naitalang 85-80 panalo kontra NLEX Road Warriors at makaahon sa 3-4 karta.

“We need to play better in our next game to beat TNT,” ani Guiao na umaasang magpapakita ng mas matinding depensa ang import na si Mo Charlo.

“He’s in the NBA D League All Defensive Team but he’s not playing physical enough,” aniya.