Gamit ang lubid ng duyan, nagbigti ang isang 12-anyos na babae sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 3 sa Lian, Batangas, noong Lunes ng tanghali.

Kinilala ni PO3 Marco Antonio B. Villafria ang nagpatiwakal na si Kathleen C. Dimayuga, ng Lucas Baviera Street, Bgy. 3, Lian.

Dakong 5:45 ng hapon nang matagpuan ang bata ng kanyang kapatid na babae habang nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Nauna rito, natutulog ang bata kasama ang isang taong gulang na kapatid na lalaki, at paggising ay bumangon ito at ikinandado ang bahay.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Walang ideya ang pamilya sa motibo ng pagpapakamatay ng paslit. (Danny J. Estacio)