Pitong katao ang nasawi, kabilang ang tatlong naputulan ng ulo, makaraang magkasalpukan ang isang dump truck at isang delivery van ng isda sa Sitio Pagan Grande sa Tamugan, Marilog District, Davao City, kamakalawa ng umaga.

Sinabi sa ulat ng Davao City Police Office (DCPO) na tatlo sa pitong napatay ang naputulan ng ulo dahil sa lakas ng banggaan na nangyari dakong 11:00 ng umaga.

Ayon kay SPO4 Julius Garcia, ng Marilog Police, dead on the spot ang mga biktima at anim ang kinilalang sina Lajabangsa Saipudon, Abdurahim Ljara, Tata Ljara, Sarang Alkarim Sali, Benjamin Villarojo Loculan Jr., at Danilo Calanza, tubong Basilan.

Sinabi ni Garcia na lumabas sa imbestigasyon na mabilis ang takbo ng delivery van ng isda nang mangyari ang insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Malaki ang hinala ng pulisya na posible umanong nakatulog ang driver ng van kaya hindi nito napansin nang lumihis ang kanyang sasakyan sa kabilang lane hanggang sa masalpok nito ang pasalubong na dump truck. - Fer Taboy